Hindi na rin nakapag pigil na maglabas ng kanyang saloobin si MYMP band member Chin Alcantara tungkol sa kanyang sama ng loob sa ABS CBN.
Sa isang YouTube video ay nilabas ni Chin ang isa pang malaking kontrobersya patungkol sa higanteng network.
Ayon sa gitarista ng MYMP, wala umano sana siyang balak na magsalita pa laban sa kompanya pero may isang isidente umano na nagtulak sa kanya para ipaliwanag ang kanilang side sa mga fans ng banda.
Ayon kay Chin, noong June 24 ay nakatakda silang mag guest sa radio station ng ABS CBN, ang MOR pero bigla na lang daw itong nakansela sa mismong araw mismo ng kanilang schedule.
"Ang sabi sa kanila [manager ng MYMP] ng MOR, ahh… hindi na itutuloy 'yung radio interview dahil may problema daw ang ABS-CBN kay Chin, sa akin at sa MYMP. Sinabi nila yun one hour before nung guesting, on the day itself. So, walang explanation, walang kahit ano," ani Chin
"Na Daryl Ong kami noh…yung MYMP na Daryl Ong," dagdag pa niya*
Maliban dito, binahagi din din ng MYMP member ang naunang issue nila sa Kapamilya network.
"Last year November, nag-guest kami sa IWant ASAP para ipromote ang bagong naming kanta 'yung ‘Wishes and Dreams.'
"Ngayon nagguest kami dun, pinost nila sa YouTube pero pagkatapos ng wala pang isang buwan binura din nila yung video namin. " aniya
"Nakita namin yung mga iba naman na nag-guest doon, hindi naman binubura 'yung guesting. *
"So, hindi rin namin alam kung bakit, wala namang nag-relay sa amin basta na lang nawala na lang yung video," kwento pa ni Chin
Ito naman ang nagtulak sa kanya para ibahagi ang dati pang conflict ng banda sa ABS CBN na ayon sa kanya ay nagsimula pa noong kumalas si Juris, ang kanila unang vocalist, sa MYMP.
"From 2007 to early 2010, regular po kami diyan sa ABS-CBN, yung MYMP. Tapos nung nakahiwalay kami ng dati naming vocalist na si Juris, doon nagsimula siguro yung conflict.
"Kasi nung nagkahiwalay na kami ni Juris at yung former manager namin, sa ASAP pa kami naglaunch ng bago naming singer na kapalit ni Juris. Pagkatapos nun, yung na labas namin yun, yun yung huling labas namin sa ASAP," ayon sa gitarista*
"Request ko sa Star Records, irelease ang MYMP para naman makamove on kami, makagawa kami ng album at magkaroon kami ulit ng chance din magmove on with the new singer, new songs, new album with another label na hindi Star Records under ABS-CBN. Pero hindi nila pinayagan 'yun. In short, ang term dun ay pinfreeze nila ako tsaka yung MYMP for two years,"
"Kaya si Juris nakagawa ng album, tumakbo ang career samantala ng MYMP naka freeze yan. Kahit may bago kaming singer hindi kami ginawan ng album sa Star Records. So yun yung mas masakit dun," anito
Sa kabila nito, mas pinili nalang ng grupo na manahimik at mag move on dahil malaking kumpanya ang kanilang kakalabanin.
"Nag-decide kami na pabayaan na lang at lumipas 'yung kontrata kasi yung nga, ayaw na lang namin ng gulo dahil nga malaking kompanya ang ABS-CBN, maraming pera, kami baka lang maubos ang pera namin sa mga hearing, trial tsaka bayad sa lawyer, tas tatagal pa," ayon kay Chin