Friday, July 31, 2020

Kim Chu umaapaw sa galit at may reklamo sa gobyerno bilang tax payer ‘Mga tao muna bago ang sariling agenda!’

0


Muling nagpahayag ng pagkadismaya ang aktres na si Kim Chu sa paraan ng paghawak ng pamahalaan sa krisis dala ng COVID-19 sa bansa. 

Ayon sa aktres, inaasahan niya na unahin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga tao kaysa sa personal na mga agenda. 

Dagdag ni Kim, sana ay may pagpipilian siya kung saan maaring mapunta ang buwis na kanyang binabayad dahil nais niya umano ito mapunta sa pondo para sa edukasyon at pang kalusugan.

Ang pahayag na ito ng aktres ay trumending sa social media matapos ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“SonaAll welfare ng tao ang iniisip mahirap man, middle class man, or mayaman man. Mga tao muna bago ang sariling agenda. 

“Hep! Before kayo mag bad comment, this is just my opinion as a tax payer and isang mamayang nalulungkot sa nangyayari sa ating bayan. *

“Bayaran na naman ng monthly tax, ITR and more. Sana may option kung saan ilalagay ang ibabayad mo. If I have a choice, education and health fund, kung may ganun man,” ayon pa kay Kim

Kamakailan lamang, nag-alay din si Kim ng panalangin para sa bansa sa gitna ng dumaraming kaso ng COVID-19 na pandemya sa bansa.

Kasama din sa kanyang panalangan ang pagkakasara ng kanyang istasyon na kinabibilangan, ang ABS CBN na humantong sa retrenchment ng mga empleyado ng naturang kumpanya.

"Since the start of this year so many things happened, 2020 made our faith grow much stronger than ever. We don’t know what tomorrow will bring us. What we will be facing in the next few months, we are just crossing half of 2020," ayon sa kanyang Instagram post noong July 22.

"Everyday I wake up there is always fear inside me, fear of COVID-19, fear of my 2nd home being shut down by the government, fear for my co workers who have lost their job not because of the pandemic but because of unjust treatment, fear for my families health, fear for what will happen to us in the coming months with covid19 case, still going up estimated 85k by the end of July. Fear for so many people that are starving right now. There is so much going on."

Hinikayat din ni Kim na huwag sumuko at patuloy lang manampalataya na ang pag subok na ito ay malampasan.

"But I know, HE can hear us, HE can see us, HE will provide for us. We must not give up our faith in HIM. It is hard, this is a test of faith,"  ayon sa post ng Kapamilya star.


Author Image

About today
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment