Madami ang hindi maka-get over sa nasabing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pre-recorded speech nitong nakaraang hwebes sa meeting kasama ang kanyang mga gabinete.
Nabanggit kasi ng Pangulo na maaarig gamitin muli ang face mask na ginamit matapos itong ibabad sa diesel o gasolina para magamit muli.
Marami ang nagreact mula sa nga netizens, mga personalidad sa showbiz at maging ang international media ay tila pinag-usapn ang tungkol dito.
Kabilang na dito ang ilang aktor gaya nina Jason Abalos, Jake Cuenca at Gerald Anderson ang na-badtrip sa “joke” ni Pangulong Duterte patungkol sa paggamit ng face mask.
Talagang ikinainis ng tatlong aktor ang naging pahayag ng pangulo at hindi nila naiwasang hindi mag-react patungkol dito.
Ayon sa pahayag ni Duterte, “Kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin iyan sa inyo libre, but wear it."
“Maski na gamitin mo siguro iyan ng dalawang beses okay man lang kung i-spray-an mo lang ng alcohol pagkatapos… ibabad mo ng gasolina o diesel, put****g i**a COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan,” sabi ng Pangulo.
Ngunit agad namang ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Pangulong Duterte at sinabing, “joke, joke, joke” lang ito.
“Kayo naman apat na taon na si Presidente, parang hindi niyo pa kilala si Presidente. Joke only! Bakit naman tayo maghuhugas ng gasolina?” ani Roque.
Hindi na pinalampas ni Jason ang “joke” ni Duterte at nag-comment sa Twitter ng “Kaya pa ba mahal na president?”
Dinagdagan pa nito ang naunang tweet at tila mararamdaman na ang kanyang galit sa “joke” ng Pangulo. Anito, “Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke??”
Hirit pa ni Jason, “Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!”
Samantala, si Gerald Anderson ay nagpost sa kanyang Instagram Story ng isang quote card kung saan mababasa ang pahayag ni Roque tungkol sa joke ni Duterte.
“People dying is not a joking matter,” tweet ng dating PBB grand winner.
Si Jake Cuenca naman ay ipinost ng quote card ni Roque sa kanyang social media account na may caption na, “No sir the only thing that’s a joke here is you.”