Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sinasabing anomalya sa procurement ng isang information technology system.
Naglabas ng pahayag ang Palasyo nitong Biyernes kasunod ng mga ulat na tatlong mga opisyal ng PhilHealth ang umatras mula sa kani-kanilang mga post dahil sa umano’y laganap na korapsyon sa loob ng ahensya.
“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte has ordered an investigation into the alleged anomalies surrounding the Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). The Chief Executive has asked Undersecretary Jesus Melchor Quitain of the Office of the Special Assistant to the President to conduct the probe on PhilHealth,” ayon sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque
Kinumpirma ni Roque na nakatanggap siya ng kopya ng sulat ni Thorsson Montes Keith, anti-legal fraud officer ng ahensya, na binanggit ang "laganap na katiwalian sa PhilHealth" bilang isa sa mga dahilan ng opisyal ng PhilHealth na umalis sa kanyang posisyon
Hinikayat rin si Keith na makipag tulungan sa opisina ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagpapatunay sa diumano’y malawak na korapsyon sa loob ng PhilHealth.
Ayon sa naunang ulat ng Manila Times, nagkaroon umano ng mainit na sagutan sa isang executive meeting ng PhilHealth, na humantong sa pagbibitiw ni Keith na isang anti-fraud legal officer, Bai Laborte, head executive assistant ng PhilHealth President at Chief Executive Officer Ricardo Morales.
May isang abogado din na kinilalang si Labe na legal officer ng PhilHealth ang napabalitang magbibitiw rin sa pwesto.
Sa kopya ng resignation letter ni Keith ay kanyang dinetalye ang dahilan ng kanyang pag alis sa ahensya.
Sinabi ni Keith na tutol siya sa pagpapatupad ng mandatory na kontribusyon sa PhilHealth ng mga OFW, sapagkat ito ay "unconstitutional" dahil di naman ito bahagi ng Universal Health Care law.
“It is against my personal values to let the OFWs pay for the spillages of PhilHealth” ani Keith
Binaggit din niya ang “rampant and patent unfairness in the promotion of officers in the state health firm”, pati ang pagkaantala ng kanyang sweldo at hazard pay simula nang umpisahan ang pagsisiyasat sa PhilHealth dahil sa "laganap na katiwalian."
“I think it is better for me to resign and let the course of things go its way,” ayon sa liham ni Keith
Sa ngayon ay wala pang binibigay na pahayag ang PhilHealth para sa kanilang panig.
Noong nakaraang taon ang PhilHealth ay naging kontrobersyal din matapos masangkot sa isyu ng "ghost dialysis".