Hinimok ni Rev. Fr. Douglas Badong, ang vicar ng Quiapo Church, ang mga deboto ng simbahan na “gumising na” at magkaroon ng kamalayan sa mga kawalang katarungan na nangyayari sa lipunan.
Sa kanyang homily nitong Linggo ay binasa ni Badong ang pastoral letter ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines' na patungkol sa Anti-Terrorism Act of 2020 na kamakailan lamang na naisabatas.
Matapos basahin ang liham, ipinaliwanag ni Badong na ang Diyos ay hindi gumawa ng anumang masama, ngunit ang kasamaan ay umiiral dahil ang mga kaaway ay umaatake kapag natutulog ang mga mabubuti.
"Habang natutulog ang mga tao, pumuslit ang kaaway at naghasik din ng masamang damo," aniya
"Habang natutulog ang mga tao. Ibig sabihin, hindi alerto 'yung mga tao. Nakakapasok 'yung kasamaan. Nakakapasok 'yung kaaway," dagdag pa ni Badong
Para kay Badong, maraming masamang bagay ang nangyayari sa lipunan ngayon dahil masyadong abala ang mga tao para ito ay mapansin.
"Bakit maraming gumagawa ng masama kahit sa panahon ng COVID? Bakit maraming nagsasamantala? Bakit maraming corrupt? 'Yung mga ayuda, hindi nakakarating sa mga dapat.
Nakakapasok ang kaaway kasi tayo, masyado tayong focused doon sa virus. O kaya naman, masyado tayong focused doon sa naku, nawalan ka ng trabaho, wala nang pagkain, umiiyak na 'yung anak mo," ayon sa kanya
"So habang 'yung isipan mo punong puno ng alalahanin, 'yung kaaway, sumisimple," dagdag ni Badong
Hinikayat ni Badong ang mga deboto na mag salita at makialam sa mga nangyayari.
"Bakit ganito ang nararanasan natin? Kasi tutulog-tulog tayo. Ayaw din kasi nating magsalita. Ayaw din nating makialam. Ayaw din natin kasing makisangkot," ani Badong
"Habang tayo, abalang abala sa pag-iisip, saan ako mag-aapply ngayon, nagsara ang kumpanya mo, habang abala tayo saan tayo pipila para makakuha ng relief. Biruin mo, ang daming bagong batas pala na naipasa nila na hindi natin alam," dagdag pa ng pari
Sinabi rin niya na ang karamihan ay hindi nagmamalasakit sa bagong batas laban sa terorismo hanggang sa tuwiran silang maging apektado dito.
"Hindi natin mararamdaman ito ngayon. Katulad noong mga buhay pa noong 1972, noong panahon ng martial law, hindi ninyo naramdaman hangga't hindi kayo ang nahuhuli, hangga't hindi kayo ang naakusahan," ani Badong
"May panahon pa. Kailangan lang talaga natin talagang gumising," dagdag niya
May panahon pa naman talanga huwag sanan makialam ang simbahan at igalang ang separation ng State at ng church(es). Bakit hindi magawa ng ibang simbahan? Ka simpleng alituntunin ito sa Saligang Batas. Anong kasamaan, anong kaaway ang pinag-sasabi kaya niya? Kung nasaibatas, ibig sabihin dumaan sa pagsususing debate o pagsusuri ang mga batas. Anong problema doon? Ano gusto na lang ba ng simbahan na sila na ang batas, sila pa rin ang simbahan? Kaya nga may Saligang Batas eh para kung ano ang batas na tao na ginawa ng tao, na mga binuto ng tao ang gumagawa ng batas ay kailangang sundin at igalang ng mga mamamayan. Di naman siguro gagawa ng batas ang mambabatas na labag sa kautusan ng Panginoon. Masyadong pinalalaki naman ito at ito na naman ang pag-umpisang makisawsaw sa pulitika ang simbahan. Sana maggalangan naman ang bawat isa sa pamamagitan ng paggalang sa Saligang Batas. OK siguro maging theocracy na tayo para wala ng batas ng tao at puro batas na lang ng "kabanalan" ano sa mga dikta ng kung sinong nagpapanggap na sila lang ang source ng katamaan. Subukan kaya natin na maging katulad ng Iran at like countries at tignan natin ang mangyari. Siguradong magiging maraming banal sa atin na hipokrito, na kapag hindi ayon sa turo o doktrina ng isang relihiyon ay labag ito sa batas nila. Ano ba yan? Ibigay na lang kaya natin ang Saligang Batas o burahin at silang mga nasa simbahan ang mamuno. Ano kaya ang kahinatnan nito?
ReplyDeleteFather mga deboto yn cla hindi yn mga taga sunod mo.
ReplyDeleteNagpari kapa para manghikayat ng kasamaan
wlang kita ang simbahan ngayun may pandemic.
ReplyDelete