Hindi pabor si senador Cynthia Villar sa panawagan ng mga manggagawang pangkalusugan na muling ibalik sa enhanced community quarantine ang Metro Manila at ibang kalapit lugar nito.
“Hindi na siguro. Pagbutihin nila (medical frontline workers) trabaho nila,” ang sagot ni Villar nang kung sumasang-ayon siya sa kahilingan ng mga medikal na grupo
Sinabi din ng senadora na ang mga tao ay maaaring mamatay sa gutom kung ang Metro Manila ay muling ilalagay sa ilalim ng ECQ dahil nangangahulugan ito na lilimitahan muli ang kilos at operasyon sa negosyo.
“Hindi pwede isara ang ekonomiya kasi kung hindi mamamatay sa (COVID-19), mamatay sa gutom ang mga tao,”aniya
Sinabi ni Villar na gagawa ang gobyerno ng maraming mga pasilidad upang malunasan ang mga may sakit na mga virus at ang mga walang pagpapakita ng mga sintomas
“Saka mag-bi-build din ng mga facility ang government na ito naman para sa asymptomatic at mild cases. Hindi naman lahat napunta sa ospital. Five percent lang nasa ospital,”Ayon sa mambabatas
Sa isang online press briefing ay nanawagan si Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Jose Santiago sa pamahalaan ng mas pinaigiting na lockdown upang matugunan ang kakulangan ng tao sa mga ospital.
Sinabi ni Villar na maaring kaya hindi natutugunan ng mga ospital ang pangangailang para sa COVID-19 ay dahil kaunti ang nilalaan nilang higaan para dito.
“Konti lang kasi inilalagay nila for covid. kung 10% lang binigay mo madaling mapuno yun. Magbi-build din ng facility ang government para sa asymptomatic,” ayon kay Villar
Si Cynthia Villar ay asawa ni Manny Villar, isa sa pinakamayamang business man sa bansa ayon sa Forbes Magazine.