Tuesday, August 4, 2020

Grupo ng mga Doctors may mensahe kay Pangulong Duterte: 'We apologize for the way the message was taken in a negative light'

0


Humingi ng paumanhin ang Philippine College of Physicians (PCP) nitong Lunes, matapos magpahayag ang Pangulong Rodrigo Duterte kung ang kanilang panawagan ng mas mahigpit na quarantine protocols ay magiging isang  pahayag ng pag-aklas at pagmamaliit sa pamahalaan.

Sa isang paglilinaw ng PCP sa kanilang website, sinabi ni Dr. Mario Panaligan, pangulo ng PCP, Kanilang ikinatuwa ang mabilis na pagtugon ng Pangulong Duterte sa kanilang panawagan at kanilang ring pinasasalamatan ang pagbibigay ng tulong nito sa medical community.


Binigyang diin ni Dr. Panaligan, na hindi lamang makakatulong ang pagdedeklara ng Enhanced Community quarantine (ECQ) sa mga health workers at mga doktor na makapag-pahinga kundi makakapagbigay din ito ng higit na kaukulang pag-aalagasamga pasyente.

Sa kabilang banda, ikinagulat din ng PCP ang naging mga pahayag ng pangulo sa kanilang naging panawagan noong nakaraang Sabado.

"If you closely review the virtual conference on August 1, there was never a call for a revolt nor was there any threat of leaving patients on their own since our oath instructs us to 'first do no harm' to anyone who needs our help," sabi ni Dr. Panaligan.

Dagdag pa nito, wala daw sa kanilang mga doktor ang katangian at mga pagsasanay na magbigay ng ultimatum. "but if our requests and observations were taken as an assertive display of indignation, we apologize for the way the message was taken in a negative light."

Ani pa ni Panaligan sumulat noon pang Abril ang PCP sa Department of Health hinggil sa paghingi ng mga test kits upang magamit ng mga healthcare workers na matatalaga sa loob ng dalawang linggong pagbabantay.

Binigyang diin din ng PCP na kanilang pinakasisigurado ang mga healthcare workers ay malulusog at upang matugunan ang kanilang mga pag-aalala at upang mapanatili silang masisigla sa pag ganap ng kanilang tungkulin.

"Three months have passed since that time and after other requests like quarantine facilities for HCWs, insurance coverage and protection from verbal castigation and physical violence to name a few have been left unanswered, we patiently held on as soldiers into battle," pahayag ng PCP sa kanilang liham sa DOH, at sa hanggang sa kasalukuyan ay tila hindi pa rin natutugunan ang kanilang kahilingan.

Binigyang pansin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease(IATF)  ang kanilang mga issues nitong Linggo sa kanilang pagpupulong sa pangulo.

"If we just knew that your office was not briefed in detail about the situation of our workers in both government and private hospitals, we would have sought a private audience with you to settle these issues and made things clear and right," dagdag pa ni Panaligan sa kanyang liham.

“Going forward, we are glad that your office is open to suggestions and that you prioritize the safety of our health care workers. Similar to your wish, we also pray that the COVID vaccines become available sooner than later,” ani pa nito.

Bagaman, inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagdedeklara ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan, kanya namang pinagsabihan ang mga healthcare workers na nanawagan na lalo pang paghigpitin ang quarantine sa Metro Manila.

"There would have been no need for you into itong ganito (this kind of thing), raising your hands as if sasabihin ninyo (saying) 'revolution, revolution'," Sabi ng pangulo nitong Linggo ng gabi.

Dagdag pa ni Duterte, hiling din niya na dapatay sumulat man lang sa kanya ang mga doktor o di kayaay naki-pagpulong sa kanya imbes na magpakalat ng mga hinaing ng hindi man lang binibigyan ng pagkakataon ang gobyerno na makatugon sa kanilang mga problema.

"Ngayon anong gusto ninyo (Now what do you want), I will implement other things in this government without informing you. Would you be happy with that?" sabi pa ni Duterte.

"If you think this can be solved revolution, then by all means, start it." giit pa ng Pangulo.


Author Image

About today
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment