Monday, August 31, 2020

Lalaking kukuha sana ng Drivers License, Pinahiya ng taga LTO! Alamin Dito

0


Isang lalaki ang pinahiya ng mga taga-LTO dahil di umano ito marunong magsulat, galit naman ang anak nito dahil binastos ang kaniyang Ama.

Bumugso ang damdamin ng mga netizen matapos kumalat ang istorya ng isang lalaki na kumuha ng lisensya sa LTO.

Galit ang naramdaman ng isang babae matapos bastusin ang kanyang tatay noong magpunta sila sa Land Transportation Office sa Olongapo para kumuha ng lisensya.

Ayon Jona Alarcon, anak ng lalaking kukuha ng lisensya, pinahiya ang tatay nya sa harap ng marami dahil lamang sa simpleng pagkakamali ng ama nya.

Ang dahilan, ayon kay Alarcon, ay ang maliit lang na pagkakamali sa form na sinusulatan ng kanyang tatay para makakuha ng lisensya.

Base sa Facebook post ng anak ng kaawa-awang lalaki, nang-insulto pa ang LTO staff matapos nyang malaman na Grade 6 lang ang tinapos nito kung saan napasabi pa sya nang "sus ano ba yan wala naman pala tinapos kukuha ka pa ng lisensiya."

Dear Government Employees (LTO),

I understand you guys are tired and you have a lot on your plate pero wala kayong karapatan ibuhos yang stress at galit nyo sa mga taong walang kasalanan sa inyo. Halos maiyak ako nung pinapahiya ng lalaking to ang papa ko sa harap ng madaming tao. Unacceptable! Yung papa ko hindi na makasagot sa sobrang pahiya sa kanya.

Non verbatim convo. (Nagkamali papa ko, imbis na isulat niya pangalan niya sa box pumirma siya kaya nagalit ung lalaki)

Him: ano ba yang sinulat mo bira ka kasi ng bira!
Papa: ay pasensiya na.
Him: sabi ko isulat mo pangalan mo! Di mo ba kayang isulat pangalan mo?!
Papa: wala kasi akong pirma (mahina na boses ni papa kasi sinisigawan na siya at ang daming tao sa loob ng room)

Him: ano? Hindi mo kaya isulat ung pangalan mo? Ano ba tinapos mo?!
Papa: grade 6 lang
Him: sus ano ba yan wala naman pala tinapos kukuha ka pa ng lisensiya.

Di talaga ako nakatiis kaya sumagot na ko. Nung nalaman niyang papa ko ung nilalait niya bumait siya at gusto niya pang tulungan ko papa ko sa exam. Awang awa ako kay papa. 😭 ang sama ng ugali mo kuya. Pasalamat ka mabait pa din papa ko at ayaw ka niya ireklamo kahit ipost mukha mo ayaw niya. Hayaan nalang daw. Pero may karma ka din. GRADUATE KA NGA PERO BASURA NAMAN UGALI MO. MAPANGLAIT KA SA KAPWA.

LTO Olongapo

Update! Nareport na po ito sa LTO Olongapo. Aware na po sila sa nangyari at gusto nilang bumalik kami dun para humingi sila ng sorry dahil sa nangyari. I’m sorry pero hindi po kaya ng konsensiya ko na ireveal ung mukha ng lalaki. Yes may nagawa siyang mali pero as we all know grabe ang social media shaming. Galit ako sakanya pero pag pinost ko mukha niya it will not only affect him but also his entire family. Hindi po kaya ng konsensiya namin ni papa na madamay ang inosente dahil lang sa kasalanan ng isang tao.
Sana po maintindihan nyo. Salamat po sa inyo. Okay naman po si papa. Basta kami makakatulog kami ng maayos dahil wala kaming tinatapakang ibang tao kung may nagawa mang mali sa papa ko siya ang magdadala nun. At kahit hindi ko po ipost ung mukha niya kilalang kilala po siya ng mga taga gapo dahil sa ugali niya. Sana lang talaga this time maaksyunan ng LTO Olongapo ang nangyari para di na maulit. Thank you po.



Author Image

About today
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment