Para sa bagong kontrabida ng “Ang Probinsyano” na action series ng Kapamilya network na si Richard Gutierrez, hindi katapusan ng ABS CBN ang hindi pagbibigay ng bagong prangkisa ng Kongreso sa network.
Naniniwala umano siyang makakabangon ito muli at tuloy na maghahatid ng saya at serbisyo publiko ang ABS-CBN matapos ang mga pangyayari.
“Ang realization ko ngayon sa lahat ng ito, I think despite sa lahat ng nangyayari, ABS-CBN nandiyan pa rin. Hindi sumusuko.
“Kumbaga, I think if we look at the positive side of this, which I always like to do, ngayon ang ABS-CBN ay nabigyan ng opportunity to think out-of-the-box, to even grow as a network.
“To grow creatively, to grow business-wise kasi kailangan mag-think tayo out-of-the-box eh, at kung paano natin malalagpasan lahat ng pagsubok na ito,” ayon pa sa aktor
Sinabi din ni Richard na naging matagumpay pa nga ang pagpasok ng ABS CBN sa online world.
“I think now that we’re doing stuff heavily online, I think ABS-CBN will be the pioneers of online content and they’ll be number one online content for sure.*
“So, I think itong bagong tinatahak na path ng ABS-CBN, I think it’s a breakthrough and I think it’s going to be the pioneer of this kind of system,” lahad ni Richard
Na-appreciate din daw niya ang ginagawa ng Kapamilya network kaya naman patuloy siyang maninindigan para sa kinabibilangang estasyon.
“I appreciate everything the network is doing. They went through a lot the past couple of months and maraming naapektuhan so I just want to stand by with the network and with the people of ABS-CBN,”*
Nang tanungin ang aktor kung ano ang maaring maging ambag ng mga artista sa kinakaharap ng bansa lalo na sa pandemya, sinabi niyang dapat tumulong lalo na sa mas nangangailangan.
“There’s different avenues for celebrities to help out. Kami personally ni Sarah we did our own little way to help the frontliners, kung ano yung mapo-provide namin sa kanila na tulong.
“We tried to help in our own little way. But at the same time, I’m happy nga dahil tuloy tuloy ang paglabas ng content ng ABS-CBN so they’re coming out with fresh content, hindi lang replays.
“And I think important din yung entertainment for everyone because ang daming problema, ang daming iniisip.*
“At least somehow, in some way, us being actors, us being entertainers, makakalimutan ng ibang tao yung problema nila kahit sandaling panahon lang pag napapanuod nila kami,” aniya