Kamakailan ay nag-anunsiyo na muli nang pinapayagan ng Department of Local and Interior Government (DILG) ang pag-aangkas sa mga motorsiklo sa buong Metro Manila.
Subalit merong ilang mga kondisyones o requirements bago ito tuluyang pahintulatan sa kalsada, ang sinumang hindi makakatupad sa alituntuning itinakda ng DILG ay huhulihin at titicketan ng kapulisan.*
Inanunsiyo ng DILG sa tulong ng Philippine National Police (PNP), tanging sa mag-asawa o magpartner na naninirahan sa iisang bahay lamang at kailangang maglagay ng motorcycle barrier sa pagitan ng rider at ng backrider nito upang maiwasan daw ang pagkahawa ng angkas nito sa corona virus.
Umalma ang publiko sa panukalang ito at ayon sa kanila ay lubahng mapanganib ito sa rider dahil posibleng maging sanhi pa ito ng aksidente. At hindi rin naman daw ito epektibong panangga laban sa COVID 19.
Ang iba naman ay nagsasabi na dagdag pahirap lang ito sa mamayan dahil kailngan pang gumastos upang makapagpakabit ng barrier. Dagdag pa nito, lagi naman magkasama ang mag-asawa o magpartner at kahit sa pagtulog pa nga ay magkatabi ang mga ito.
Sa kabila ng pahayag na ito ng DILG at PNP, may makikita pa rin tayo sa mga pasaway at tila nagbibingihan o kaya naman ay talagang matitigas lang ang mga ulo. *
Isa na rito ang litrato na kuha ng isang netizen sa kung saan makikita ang isang police officer na nakamotor at may angkas na walang suot na helmet.
At isa pa sa napansin ng netizen ay walang barrier sa motor ng nasabing pulis at ng kanyang angkas. mayroon mang suot na face mask ang angkas nito ngunit wala naman barrier na nakakabit, na syang mahigpit na ipinapatupad ngayon ng mga kapulisan.
Napansin din ng netizen na walang plaka o kahit temporary plate number o kahit man lang registration number na pagkakakilanlan ng motor.
Mabilis na nagviral ang post na ito ng netizen na si Bhong David sa kanyang Facebook account na may caption na, , "Ano masasabi kaya ng PNP riot?" at sa ngayon ay umaabot na ito sa 2.8k shares na article ng KAMI.. *
Madalas napapabalita sa mga kontrobersiya ang ating mga kapulisan, kabilang na dito ang hepe ng NCRPO na si Gen. Debold Sinas, kung saan ay nagsagawa ito ng "mañanita" na mayroong mahigit ng 40 katao ang dumalo na kung saan ay pinagbabawal noong panahon ng ECQ.
Ngunit agad itong dipensahan ng Pangulo at patuloy pa ring nananatili sa kanyang pwesto si Gen. Sinas hanggang sa kasalukuyan.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang pamunuan ng PNP hinggil sa mga social media posts kung saan makikita ang mga miyembro ng PNP na may mga backride sa motor samantalang ang mga simpleng motorista ay mahigpit na hinuhuli at pinapatawan ng parusa.
Nawa'y maging patas ang PNP sa pagpapatupad ng panukalang ito para sa lahat, at walang kinikilingan. Upang maiwasan mapulaan ang ating pamahalaan.
Maraming netizen ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa post na ito:
"Alam na. Kapag cla ang pasaway ayus lng!! Kapag sibilyan huli agad!!!!"
"dapat tonitikitan ng mga enforcer yan sana lahat ng MAYOR utusan nga enforxer ng manghuli ng mga kapulisan at walang palakasan pagdating sa violation!!!wala dapat pulis o kahit cnu unipormadong nsi titikitan kung my violation pag mga civilian hinuhuli tao din sila tulad ng mmayan ndi nka uniporme!!!!sana matugunan yan ng mga mambabatas!!!!!!"
"Dapat sila ang maging model ng mga tao, sila nagpapatupad sila rin ang lumalabag. Pag pulis pwede kahit mali. Yung pulis na yan walang karapatan manghuli ng non standard ,walang helmet at walang barrier."
"Mga nturingan nagttrabho s gobyerno cla dpat mging mgndang ehemplo stin tpos gnito mkikita mo s highway wlang barrier nklagay s gitna tpos yung backride wlang helmet smntalang kpag mhirap n tao at may babackride n wlang helmet huli ka akina lisensya hay naku dpat sumunod tyo s batas !!!"
"Nothing new Kung Yung senator may violation Wala nga nangyari Tapos pulis nag pa party Sa bday Wala namn ginawa action para Sa kanila Kaya huwag Na mag taka ...Ganyan talaga make the rules ang break the rules"