Sadyang nakakadurog ng puso ang makita ang isang musmos ay may malubhang karamdaman, kahit hindi mo pa ito anak pag bata ang pinag usapan ay talagang maantig ang puso mo.
Tulad na lamang sa ibinahaging larawan sa social media kung saan nalungkot si Gov. Delta ng makita ang isang musmos na tinamaan ng virus na c0vid-19.
Nag-inspection nitong biyernes abril 9 2021, si Gov. Delta kasama ni Mayora Esmie Pineda sa isolation facility na itinayo ng Capitol sa permanent evacuation center sa Lubao Pampanga.
Ayon kay Gov. Delta dinagdagan umano nila ito ng rooms at cubicles mula sa container vans ng DPWH. Parang hospital ang set-up natin dito dahil sapat ang gamit at medical staff para gamutin ang mild COVID-19 cases.
“Pero ako po nalungkot kasi sa 100 katao dun, may pasyente tayo na musmos pa lang ay tinamaan ng COVID-19. Gusto ko siyang kargahin at sabihing gagaling ka rin anak.” Ani Gov. Delta.
“Kaya pakiusap ko po sa mga magulang: ingatan po ninyo ang inyong pamilya mula sa COVID-19. I-lockdown po ninyo ang inyong bahay.
Bumukod ng kuwarto ang mga nagtatrabaho. Huwag sabay-sabay na kumain. Sundin ang safety protocols.”saad pa ni Gov. Delta.
Sa simpleng pagsunod po sa protocol ng ating pamahalaan ay makakatulong tayo sa pagpigil ng pag laganap ng nakahahawang virus. Ingatan po natin ang ating sarili lalu na ating mga mhal sa buhay.