Bumoladas ang singer na si Regine Velasquez sa nangyayari sa bansa. Hindi nagustuhan ng mang-aawit ang balita tungkol mga namamatay araw-araw dahil sa pandemiya.
“Bakit parang pinabayan na lang tayo? Kanya kanya matira matibay ganon na lang ba talaga?” kuda ni Velasquez.
“People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening??” patutsada pa ni Velasquez.
Kung pagbabasehan ang mga pahayag ng mga medical professionals, isa ang Pilipinas na may pinakamababang death rate.
“In terms of deaths per million population, we are 119th. Our deaths per million population is less than one tenth than that of the US, UK, France, Spain and Italy,” sabi ni Dr. Edsel Salvana.
“What’s important especially in our country, let’s look at the number of deaths. Our case is still below 2 percent. This is below the global average of 2.2 percent case fatality rate, and that’s a big thing for us, though we have this much number of cases but are deaths are being maintained at this low level… We’re not saying that we’re excellent in the response we’re doing. There are things we lack but as long as we can keep our deaths low, as long as we can still manage our severe cases in the hospitals, at iyan po ang pinakabatayan natin para masabi natin na kaya natin makaalpas dito sa obstacle o pagtaas ng kaso na mayroon tayo,” paliwanag naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nitong Sabado, nakapagtala ang Department of Health ng 2,674 na karagdagang kaso sa ating bansa. Ang aktibong kaso naman ay nasa 190,245. Ang mga namatay ngayong araw ay nasa 225 habang ang kabuuang bilang ng nasawi ay 14,744.