Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang kaniyang matagumpay na triple bypass operation sa puso, humarap sa kaniyang programa sa DZMM Teleradyo ang mamamahayag na si Doris Bigornia.
Nagpasalamat ito sa mga sumuporta at nagbigay ng tulong sa kanilang pamilya.
“Unang-una [nagpapasalamat] ako sa Diyos sa pangalawang buhay na ito. Sa mga doktor ko… Pasalamatan ko rin… ang mga tumulong po at nanalangin na aking mga Kapamilya, sa lahat po ng sulok ng daigdig. Amerika man, Canada, Australia… Europa, talagang lahat sila ay nanalangin para sa akin,” wika ni Doris sa kanyang pagbabalik sa “SRO… ‘Yung isa sabi niya, ‘Sorry po ma’am Doris wala naman po akong pera kaya ipapasa ko na lang po itong panalangin na ito.’ Grabe partner, doon ako naiiyak,” sabi ni Bigornia.
Umamin naman ang beteranang broadcaster sa mga pagkukulang niya sa buhay.
“Inaamin ko naman na naging pasaway ako, hindi ko inalagaan nang husto ang aking katawan kaya nagkaroon ako ng stage 5 kidney failure at diabetes. Kaya ako dina-dialysis,” dagdag pa ni Bigornia.
Nitong nakaraang mga linggo ay humingi ng tulong ang anak ni Bigornia sa publiko para makalikom ng P1.5 million para sa operasyon ng kaniyang ina.
Noong Pebrero nang ianunsyo ng kanyang SRO: Suhestyon, Reaksyon at Opinyon (SRO) co-host na si Alvin Elchico na dinala si Bigornia sa Pagautan matapos atakihin sa puso, hanggang sa isinugod na rin ito sa intensive care unit (ICU).