Tuesday, April 6, 2021

WATCH| Dr. Ron Samaniego na Pinagpipilitan na ‘scam’ lang ang kumakalat na sakit sa bansa, nanganganib mawalan ng lisensya!

0

Hindi na pinatagal pa ng Facebook na makapagkalat pa ng diumano’y maling impormasyon sa social media ang kilalang Doctor of Physical Therapy na si Dr. Ronald ‘Ron’ Samaniego.

Matatandaan na naging sikat si Dr. Ron sa mga pinoy conspiracy theorist dahil sa pinagpipilitan nito na hindi naman daw totoo ang ilang bagay tungkol sa kumakalat na sakit dito sa Pilipinas.

Isa sa mga sinabi nito ay ginagamit lang daw ng gobyerno ang pandemya upang kumita ng pera kahit na hindi naman daw totoo na may kumakalat na sakit sa mundo.

Kinontra din nito ang mga bakuna na ipinapamahagi ngayon sa bansa at sinabi na delikado daw ito sa mga tao.


Dahil sa mga maling impormasyon na sinasabi ng nasabing doktor ay nagdesisyon na ang Facebook upang tanggalin ang Facebook page ni Dr. Ron na mayroong mahigit 700,000 followers.

Gumawa naman ito ng panibagong page na tinawag niyang “Bantayan Network” na nakakuha ng mahigit 10,000 followers ngunit hindi naman ito nagtagal at binura narin ito sa social media.


Unang nakuha ni Doctor Ron ang atensyon ng mga health professionals matapos siyang i-feature ng vlogger na si Doc Adam kung saan ay pinuna niya ang mga impormasyon na ikinakalat nito.

Kahit mismo ang Philippine Physical Therapy Association, Inc (PPTA) ay naglabas narin ng kanilang statement laban kay Ronald Samaniego.


Handa rin daw silang magsampa ng reklamo kay Dr. Ron sa Professional Regulation Commission upang mawala ang lisensya nito kung meron man bilang isang physical therapist.

“Mr. Samaniego is not a member of the association. We have reviewed some of the statements he made which are clearly unfounded and without medical value. His claims do not reflect the views of the entire physical therapy profession,” saad ni PPTA.

“We call out his unethical and irresponsible behavior in the strongest possible terms, and we are looking into an appropriate complaint that we can file with the Professional Regulation Commission (PRC) concerning this matter,” dagdag pa nila.

Kahit mismong ang Department of Health (DOH) ay pinuna narin ang mga sinasabi ni Dr. Ron.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Dr. Ron sa posibleng parusa nakanyang kinakaharap dahil sa pagkakalat ng maling impormasyon.


Author Image

About today
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment