Isang babae ang binato sa ulo ng kaniyang kapitbahay ng dahil sa pagiging tsismosa nito, ilang beses naraw ito pinagsabihan ng kinakasama nito na huwag mangialam sa buhay ng iba, ngunit tila hindi nakikinig ang babae sa kaniyang asawa,
Hanggang sa isang araw napag-alaman ng kaniyang kapitbahay na siya ang nag papakalat ng tsismis sa kanilang lugar sa galit ng kaniyang kapitbahay ay dumampot ito ng malaking tipak ng bato, at pinuntahan sa mismong bahay nito ang babaeng tsismosa, at binato niya ito sa ulo.
Duguan naman ang babae at napaupo sa harap ng kanilang pintuan agad namang umalis ang nambato sa kaniya. agad namang dinala ang babae sa pinaka malapit na pagamutan, at nag sampa ito ng kaso sa barangay. upang ipatawag ang kaniyang kapitbahay sa ginawa nitong pambabato sa kaniyang mukha.