Matapang at tila walang takot na muling hinamon ng isang sikat at batikang broadcast journalist sa bansa at kilala bilang isang "Hari ng public service" na si Raffy Tulfo ang Department of Health Secretary na si Francisco Duque III na bumaba sa pwesto lalo na kung hindi niya masasagot o maipakikita kung nasaan napunta ang mga gamot at vaccine na donasyon ng World Health Organization o WHO sa Pilipinas.
Hindi ito ang unang beses na tinawag ni Tulfo ang atensyon ng kalihim. Ngayon naman ay maging si Dr. Eric Domingo ng Food and Drúgs Administration o FDA ay kanya na ring hinamon.
Binanggit ni Tulfo sa kanyang panawagan ang mga katiwaliån na nangyayari sa FDA na kanya mismong nabisto nang makapanayam niya si Domingo. "I think this is the time Dr. Domingo na i-praktice mo 'yong kasabihan na 'less talk, less mistake. Kasi the more you open your mouth, the more na nadidiin po kayo!"
Isang halimbawa naman ang ibinigay ni Tulfo kaugnay ng nasabi niyang ito kay Domingo ay nang tanungin umano ang kalihim sa isang radio station kung bakit hindi nito pinahihintulutang magamit ang Ivermectin sa Pilipinas. Ang sagot naman ni Domingo ay naghihintay lamang umano sila na marehistro ang nasabing gamot.
Ngunit lumalabas na iniipit pa rin ito ng FDA dahil makailang beses nang nagpadala ng application ang iba't ibang mga nais na magpasok ng Ivermectin sa bansa. Subalit ang sagot lamang daw ni Domingo ayon kay Tulfo ay malabo ang kopya na ipinadadala sa kanila ng mga ito.
Sinabi pa ni Tulfo, malaki ang kamurahan ng Ivermectin kumpara sa Remdesivir na mas mapapakinabangan sana ng mas maraming Pinoy na tinatamaan ng C0VID-19.
Tinatanong rin ni Tulfo kay Duque kung saan umano napunta ang donasyon ng WHO na milyon-milyong halaga ng Remdesivir. "Hinahamon kita Mr. Duque, paki-account lang saan napunta 'yung milyon-milyong Remdesivir na dinonate ng WHO, pwede ba in the name of tranparency, ipakita niyo sa taumbayan yung pangalan ng mga ospital na nabigyan noon."
Maging kay Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte ay nanawagan na si Tulfo na sibakin ang dalawang kawani kung hindi nila masasagot ang nabanggit na mga katanungan.
"Panawagan ko po kay Pangulong Duterte, Sir, paki-account lang po pakisabi po dito kay Duque at saka dito kay Domingo paki-accouint lang saan napunta yung milyon-milyong halaga ng remdesivir, yung mamahaling gamot na dinonate ng WHO sa Pilipinas."
"Kapag hindi po nasagot yan ng dalawa niyong alipores, sir pakisibak na po, ibig sabihin, may ginagawa pong milagro itong dalawang ito," dagdag pa nito.