Bigong makasali ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa listahan ng mga pinakapaboritong national costumes na pinili ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Sa kanyang tweet, pinili ni Catriona ang pambato ng bansang Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine at Vietnam sa kanyang mga paboritong national costume.
“Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costumes. Who were yours?” ani Catriona.
Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang tweet na ito ni Catriona dahil tila pinapalabas nito na hindi pumasa sa kanya ang national costume ng pambato ng Pilipinas ngayon sa Miss Universe na si Rabiya.
Matatandaan na bigong maisoot ng kumpleto ni Rabiya ang kanyang national costume na hango sa watawat ng Pilipinas.
“LOL. How about the PHILIPPINES, @catrionaelisa. Can you imagine how Rabiya will feel or the team behind this NatCo if they see your tweet? I understand that you are trying not to be bias and whatever. But at this point and time, the Philippines needs a strong support system.” ani @coolguy11028625.
“Mima, hindi mo ba naisip na pwedeng makasama sa rest of performance ni Rabiya tong tweet mo? Ang insensitive ng tweet mo Mima sa true lang,” saad ni @danegerousssss.
“i have nothing against catriona. Pero dapat sinarili mo nalang just imagine kung ikaw nasa posisyon ni rabiya at galing pa sa kapwa mo pilipino,” komento ni @lexlim12.
May ilan din namang naintindihan ang sinabi ni Catriona.
“Siguradong andami niyong DADA sa opinion ni Miss Catriona kasi wala ang PH. Pero sa totoo Lang HINDI KO DIN NAKITAAN NG X FACTOR yung costume! Pero gayun pa man buo parin ang support ko kay #AribaRabiya,” sabi ni @DHAReality.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Rabiya sa sinabing ito sa kanya ni Catriona.
Nagpakita din naman ng suporta si Catriona kay Rabiya matapos humingi ng tawad ang beauty queen sa kanyang naging performance sa national custome.
“Rabiya Mateo does not need to apologize! She worked that stage and PER-FORMED. National Costume is a segment to celebrate culture and country’s identity but isn’t a part of the scoring towards the crown. Kaya Laban lang Queen!” sabi ni Catriona.