Friday, July 17, 2020

Galit na mga Netizen binasag si Enchong "Walang mawawala sa career mo, di ka naman sikat!"

0


Binasag ng isang netizen ang aktor na si Enchong Dee sa naging pahayag nito na dapat gamitin ng mga artista ang kanilang boses para sa mga taong nangangailangan at walang-wala na sa buhay.

Kamakailan lang ay matapang na nanawagan si Enchong sa kanyang mga kapwa artista na huwag manahimik matapos na ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN.

Ayon sa netizen, huwag pilitin ng aktor ang ibang artista na magsalita sa harap ng publiko para ipagtanggol ang Kapamilya network.

Ayon pa dito, matapang lang daw ang aktor dahil wala naman siyang career na maaapektuhan.

“Don’t get me wrong I admire your bravery, mismong ako i want ABS-CBN back.

“Pero i think it’s wrong to pressure all the artists to be as vocal as you. And there’s nothing really at risk for your career kasi di ka naman sikat,” ayon sa netizen

“Besides, kahit pa lahat ng viva and star magic artists speak up against the government, its not gonna change anything as long as their Lord Digong is incharge.

“I-focus nyo sa gobyerno ang pagkalampay, instead of shading artists for being vocal as you. Everyone shows support in different ways and its all valid,”dagdag pa nito

Sumagot naman si Enchong sa netizen, aniya: “We have to start thinking beyond ourselves, our voice is not for us but for the others who have nothing, those who live paycheck to paycheck.

“I am not shading, I am calling for their support. I can go on with my life without this job but I couldn’t speak for the utility personnel, the wardrobe, the makeup artists, the staff, the crew, which ALL artists get to work with everyday.

“I’m calling for their support because I know that my colleagues have enough influence to make things right. Again, this is beyond oneself,” sagot ng aktor

Isa si Enchong sa mga artista na bumatikos sa mga mambabatas na nagdesisyong huwag bigyan ng prangkisa ang higanteng network.

“I always tell people that, ‘Artists should be the first line of democracy.’ People tend to agree, but mostly do nothing about it or get reprimanded for saying something political.

“Very few listen and even fewer are brave enough to stand their ground because of their ‘reputation,’” ayon sa naunang mensahe ni Enchong sa Twitter

Naniniwala din ang aktor na muling makakabangon ang ABS CBN kasama ang mga empleyado nitong nawalan ng trabaho.


Author Image

About today
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment