Dapat tinakwil ni ABS-CBN chairman Gabby Lopez ang kanyang American citizenship, o hindi na lang naging opisyal ng Kapamilya network.
Ito ang isa sa mga giniit ni House Speaker Alan Peter Cayetano, ilang araw matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise application ng broadcast giant.
“Mr. Gabby Lopez could have done two things: he could not have accepted being an officer of ABS-CBN, or he could’ve renounced his [American] citizenship before becoming chairman,” wika ni Cayetano sa kanyang manifestation, sa hybrid hearing ng Kamara tungkol sa pagpapatupad ng social amelioration program habang may COVID-19 pandemic.
“Kung hindi ko po ginive-up ang [aking] American citizenship, hindi po ako magiging DFA [Secretary]. Ako po mismo, hindi ako magpapa-nominate sa ating Pangulo,” aniya pa.
Bukod dito, tinira rin ng mambabatas ang umano’y pag-iwas ng ABS-CBN na magbayad ng buwis, at ang umano’y political bias ng Kapamilya network.
Sa report ng Bilyonaryo, tinatayang 90 percent ng Kapamilya staff ang kailangang pakawalan dahil sa ABS-CBN shutdown.