Unti-unti nang nagsasalita ang mga Kapamilya star kontra sa pagpapasara ng ABS-CBN na nagsanhi ng pagkawala ng libo-libong trabaho.
Sa tweet ng ‘Unkabogable Star’ Vice Ganda, pinatamaan nito ang mga kongresista dahil sa hindi pagbigay ng prangkisa sa network.
Ilan kasi sa mga ito ang hinihimok ang mga Lopez na ibenta na lang ang ABS-CBN para maisalba ang network.
Ani Vice “Sa pagpapasara ng ABS CBN mawawalan ng malaking pagkakakitaan ang mga Lopez. Pero sigurado akong di sila maghihirap. Napakayaman na nila para maghirap.”
Giit nito, hindi naman mga Lopez ang mahihirapan sa pagsasara ng Dos, kundi ang mga normal na empleyado na nasabay na nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.
“Ang totoong magdudusa dito ay ang mga pangkarinawang manggagawa na nawalan ng trabaho. Sila ang maghihirap,” lahad ng komedyante.
Kaya naman nagbanta ang artista na bawat dawit sa ABS-CBN shutdown ay ‘mumultuhin’ sa kanilang desisyon na ipasara ang network.
“Mali ang natarget nyo. Mali ang pinatay ninyo. At lahat yan ay mumultuhin at gagambalain kayo. Alam nyo kung sino kayo!”
70 kongresista ang pumabor sa pagbasura ng franchise application ng ABS-CBN, habang 11 lang ang sumporta para mabalik ang operasyon ng network.
Sa pagpapasara ng ABS CBN mawawalan ng malaking pagkakakitaan ang mga Lopez. Pero sigurado akong di sila maghihirap. Napakayaman na nila para maghirap. Ang totoong magdudusa dito ay ang mga pangkarinawang manggagawa na nawalan ng trabaho. Sila ang maghihirap.— jose marie viceral (@vicegandako) July 17, 2020