Wednesday, August 5, 2020

Angel Locsin may matinding banat kay Pres. Duterte "Suporta ang kailangan, hindi sindak!"

0


Pinaalalahanan ni Angel Locsin ang gobyerno na COVID-19 ang kalaban at hindi health workers o mga mamamayan.

Ito’y matapos kagalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo ang pagsasapubliko ng medical communities ng kanilang hinaing sa pandemya.

Bagama’t tumugon sa apela na ibalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na lockdown measures, binalaan ni Duterte ang health workers sa aniya’y balak na “rebolusyon”.

Sa Instagram Stories nitong Lunes, dinipensahan ni Locsin ang frontliners na tila naging bagong “kalaban” ng gobyerno.

“Nung una, UP ang kalaban… Ngayon naman health workers,” anang Kapamilya actress.

Pinatutungkulan ni Locsin ang dating pahayag naman ni presidential spokesperson Harry Roque na “natalo” ng bansa ang prediction ng University of the Philippines sa bilang ng COVID-19 cases noong Hunyo.

“Ngayon naman health workers. Pagsuporta ang kailangan. Hindi pagsindak. COVID po ang kalaban. Hindi ang mamamayan,” giit ng aktres.

Sa naunang post, pinasalamatan ni Locsin ang frontliners at nangakong gagawin ang kanyang parte sa pagpigil ng pagkalat ng virus.

“Patawad kung minsan ay pasaway. Ngunit nais iparating, kakampi niyo kami, health workers. Mag do-doble ingat para makagaan sa pasanin kahit paano. ‘Wag sanang panghinaan ang inyong loob,” sabi niya.

“Mahal namin kayo. Naka-suporta kami sa inyo. Kailangan namin kayo. Kayong mga bayani sa giyerang ito. Maraming salamat sa sakripisyo para sa amin,” aniya pa.

Kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan hanggang Agosto 18.

Ito’y bilang tugon sa hiling na “timeout” ng health workers upang mapagbuti pa ang “pandemic control strategies”.



Author Image

About today
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment