Ang ahensya ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay nawalan umano ng inatayang P153.7 bilyon mula 2013 hanggang 2018 dahil sa mga anomalyang overpayment at pandaraya ayon kay Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor nitong Martes.
Sa pagdinig ng House sa pampublikong account tungkol sa umano’y anomalya sa PhilHealth, sinabi ni Defensor bilang isa sa tagapangulo ng nasabing panel, na lumalabas na may nawawalang P102 bilyon dahil sa sobrang bayad base sa maiging pagkukumpara ng 20 porsyento na itinakda ng Commission on Audit (COA).
Samantala, nakalkula sa 10 porsyento, sinabi rin ni Defensor na ang PhilHealth ay nawalan ng P51.2 bilyon dahil sa pandaraya.
“Tinataya na P153 billion magmula 2013 na nagsimula and case rate to 2018 ang nawalang pondo sa PhilHealth,” ayon sa solon
Ayon pa kay Defensor, ang case rate system ay nagsimula noong 2011, kasama ang isa pang circular ay nilabas naman ng 2013.
“Taong 2013, ginawa nila, sa isang circular na ang lahat ng pagbayad ng Philhealth na hindi na fee for service,” aniya
“Ano ba yung fee for service? Kapag ikaw nagkasakit, gumastos ka ng P5,000, ipagpalagay natin na pneumonia, ang ginastos mo ay P5,000 lamang. Pero dahil ang case rate o ang case-based payment nila ay P15,000, babayaran pa rin ang hospital ng P15,000,” paliwanag ni Defensor
Ayon sa PhilHealth president na si Ricardo Morales nitong Martes, halos P10.2 bilyon mula sa badyet nito ay “potentially lost” dahil sa mga pandaraya at iba pang schemes noong 2019.
Binanggit ni Morales ang isang pag-aaral na ginawa noong December 2019 kung saan sinasabing ang rate ng pandaraya ng state insurer ay umabot sa 7.5%, habang ang average na pandaigdigan ay nasa 10% hanggang 20%.
“In other words, of the 176 billion spent by PhilHealth last year of benefit payments, P10.2 billion was potentially lost to fraud,” aniya
“Next year, if the right thing is not done, of the P240 billion planned benefit expenditure, this potential loss could balloon to P18 billion,”dagdag pa ni Morales
Ang nakakabahalang "sistematikong" pandaraya sa ahensya ay maaring maapula ng “robust, integrated, and harmonized information management system” na maaaring magpatakbo ng isang membership database.
Idinagdag niya na ang kasalukuyang IT system ng ahensya ay pira-piraso, at sobrang matagal na na ginagawan nalang ng paraan ng kanilang mga IT upang magamit pa rin.