Mabilis na kumalat ang video ng alitan ng doktor at pasyente nitong nawalan ng baby matapos na makunån sa isang ospital. Maririnig mula sa video ang maiinit na salita ng dalawa.
Ayon sa kumukuha ng video na mismong pasyente na nawalan ng baby ay hindi daw naibigay ng doktor ang maayos na eksplanasyon kaya naman nauwi sa sagutan at sigawan ang dalawa.
Sa video ay maririnig na gusto ng umuwi ng pasyente. Makikita naman ang doktor na nawalan na ng kontrol kaya naman dinuro niya ang pasyente nito at sinisigawan habang nakapamewang.
Hindi naman naging malinaw ang pinag-ugatan ng alitan nila dahil hindi na ito nakuhanan pa. Base lamang sa video ay walang maayos na pahayag ang doktor kung bakit nawala ang anak ng pasyente nito. Nauwi lamang sa mainit na sagutuan ang dalawa na mayroon pang malakas na sigawan sa loob ng ospital.
May ilan na pumanig sa doktor at may ilan din na nagalit dito at tila kumakampi sa pasyente. Nahati ang opinyon ng mga netizen sa pangyayaring ito.
"Very unprofessional, we have to admit we have a very poor health system in the Philippines."
"Dapat wag idaan sa galit!! Syempre p pagud nrin Ang lahat ng frontliners lalo n sa mga Doktor."
"Sa side ng inang namat@yan ng baby, nanjan ang agony nya. nawalan sya. normal ang ganyang asta dahil nasa post-partum depression sya."
"Alam neu mga kababayan malaking utang na loob natin sa mga frontliners kc.dilikado din buhay nila at pasalamat nlang tayo na andyan sila sa ating mga pag hihirap.
"Wala naman perpektong doctor lalong walang perpektong pasyente . Sana mgkaroon tayo ng respect sa isat isa."
Narito naman ang naturang video: