Usap usapan ngayon sa social media ang diumano’y kulto na gumagala ngayon sa ilang barangay sa Misamis Occidental.
Sa ilang footage na kumakalat ay makikita ang mga residente ng Misamis Occidental habang hinahanap ang diumano’y miyembro ng mga kulto na may kakaibang kapangyarihan daw kaya’t hirap na hirap silang hulihin ang mga ito.
Marami ng videos ang ibinahagi ng mga netizens kung saan ay kinakatakok sila ng malakas ng mga hindi kilalang mga tao.
Ayon sa ilang netizens na mga residente doon ay kapag binuksan daw ng mga tao ang pintuan matapos kumatok ang mga miyembro ng kulto ay magiging biktima sila ng mga ito.
May ilan pang nagsabi na noong nakaraang taon ay nangyari narin daw ang mga ito.
Lalo pang lumakas ang usap usapan ng mga netizens ng kumalat sa social media ang diumano’y damit na soot ng mga miyembro ng kulto.
Sa nasabing mga larawan ay makikita ang isang puting damit na may mga nakasulat na hirap maintindihan ng mga netizens dahil sa iba ang letra na nakalagay dito.
May mga simbolo din na nagbigay misteryo sa mga imahe.
Ipinaliwanag naman ng ilan kung ano nga ba ang mga nakasulat sa nasabing damit.
Babala ni @msjanecee ay hindi na dapat subukan pang i-translate ng mga tao ang nasabing mga letra dahil baka ito daw ay makasama sa kanila.
“Sa mga taga Misamis Occidental na nag babalak basahin yung confiscated na tela na galing sa kulto na may sulat latin. Pls lang! wag nyo ng isearch or e-dig yung naka sulat dun at baka ma summon niyo yung hindi dapat. Buhay yang latin word baka ikapamahak niyo pa or ng pamilya mo,” ani @msjanecee.
May isa pang netizen na sinabi na ang damit ay tungkol daw sa sakripisyo at ilan pang ritwal.
Hindi pa malaman kung saan nanggaling ang mga nasabing larawan.