Kamakailan lamang ay inanunsyo na palasyo na sasailalim muli ang ilang lugar sa bansa sa Enhaned Community Quarantine o ECQ dahil pinipigilan ito ang nakikita ng gobyerno na paraan upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng v1rus na C0VID-19.
Dagdag pa dito ang maagang curfew na mahigpit na ipinanukala sa ilang mga lugar sa loob ng NCR Plus.
Dahil dito, natatakot ang karamihan sa atin na lumabas pa ng bahay dahil sa mga nanghuhuli na lumalabas sa loob ng curfew hours na 6 ng gabi hanggang 5 ng umaga.
Nitong nakaraan lamang ay nag-viral ang 'lugaw issue' kung saan isang barangay personnel ang nangharang sa isang food rider na nagdeliver ng lugaw.
Sinabi ng barangay personnel na ito na hindi essential ang lugaw kaya naman marami ang bumatikos sa kanya. Naresolbahan naman na ang nasabing isyu.
Isang facebook post naman ang nag-viral sa social media matapos na ibahagi ng isanng netizen ang larawan ng isang Grab Food Rider na nagdeliver ng kanyang order na Mcdo. Pinapasok aniya ang rider dahil sa takot na mahuli sa curfew.
Kinagiliwan naman ng mga netizen ang larawan na ito. Sa ngayon ay mayroon ng 29k reactions at 43k shares ang nasabing facebook post.
"Pinapasok ko si grab rider baka mahuli ako pag kinuha ko sa labas yung order kong mcdo." Ayon sa kanyang facebook post.